BAGONG PROSESO NG LTO SA PAGKUHA NG LISENSYA NGAYONG 2020 sa Ilalim ng Memorandum Circular 2019-21768/18/2020 TANONG: KUKUHA AKO NG LISENSYA, ANO ANO ANG KAILANGAN KONG MALAMAN SA KASALUKUYANG PATAKARAN? 🤔 ⚠️BAGONG PROSESO NG LTO NGAYONG 2020 sa Ilalim ng Memorandum Circular 2019-2176 (NAITAKDANG SIMULAN NOONG IKA-6 NG ABRIL NGUNIT NA "ON-HOLD STATUS" SA KADAHILANAN NA NAKAKARANAS TAYO SA NGAYON NG MALAWAKANG PANDEMYANG COVID-19) STUDENT PERMIT o STUDENT LICENSELahat ay kailangan kumuha muna nito bago makakuha ng Non-Professional o Professional License ✅Magkakaron na ito ng 15 hours Seminar na tinatawag na "THEORETICAL DRIVING COURSE" na hahatiin sa 3 session, sa makatuwid magkakaron ng tatlong(3) tigli-limang oras na seminar. Q: Tungkol saan ang Seminar na ito? A: Ito ay tungkol sa mga mahahalagang paksa sa pagmamaneho, kalsada at mga batas. Q: Saan gagawin ang Seminar na ito? A: Maaari mo itong gawin sa LTO mismo o sa mga LTO Accredited Driving Schools Q: Paano pag natapos ko na ang Theoretical Driving Course na ito? A: Makakatanggap ka ng Certificate of Driving Course Completion na isa sa mga requirements para makakuha ng STUDENT LICENSE. Q: Anu-ano na ba ang mga requirements sa pagkuha ng Student Driver's License?
NON-PROFESSIONAL DRIVING LICENSEQ: Kailan ako pwedeng kumuha ng Non-pro License? A: Dapat ay Holder ka na ng Student License ng tatlumpong(30) araw o higit pa. ⚠️Magkakaron ito ng walong(8) oras na PRACTICAL DRIVING LESSON. Q: Anong kaibahan ng Practical Driving Lesson sa naunang Theoretical Driving Course na ginawa ko sa Student License? A: Ang Practical Driving Lesson ay aktuwal na pagmamaneho na talagang iba sa Theoretical Driving Course na nakikinig ka lang sa mga paksa. Q: Saan gagawin ang Lesson na ito? A: Sa LTO o sa kahit anung LTO Accredited Driving Schools at pwede rin sa mga TESDA Certified Driving Schools Q: Paano pag natapos ko na ang Practical Driving Lesson na ito? A: Makakatanggap ka ng Certificate of Driving Course Completion na isa sa mga requirements para makakuha ng Non-Professional Driver's License. Q: Anu-ano na ba ang mga requirements sa pagkuha ng Non-Professional License?
Q: Yan na ba ang lahat ng kailangan? A: Hindi pa.. Kailangan mo pa maipasa ang 40 items na exam (dapat makakuha ka ng 30 tamang sagot) at ang Practical Driving Test. Q: Validity? A: Limang(5) Taon ➡️ PROFESSIONAL DRIVER'S LICENSEQ: Sino ba ang nangangailangan ng ganitong uri ng lisensya? A: Sila ung mga indibidwal na ang pagmamaneho ang kanilang propesyon o kinabubuhay. ⚠️Halimbawa: Drayber ng Tricycle, Jeep, Taxi, Bus, Delivery(Grab, Lalamove, Jolibee-Mcdo Rider) etc. Q: Kailan ako pwedeng kumuha ng Professional Driver's License? A: Dapat ay Holder ka na ng Non-Pro DL ng di bababa sa isang(1) taon. Hindi na maaari ang Student tapos Professional na agad. ⚠️Magkakaron ito ng Walong(8) oras na Hands-On Driving Lesson. Q: Saan gagawin ang Lesson na ito? A: Sa LTO o sa kahit anung LTO Accredited Driving Schools at pwede rin sa mga TESDA Certified Driving Schools Q: Paano pag natapos ko na ang Practical Driving Lesson na ito? A: Makakatanggap ka ng Certificate of Driving Course Completion na isa sa mga requirements para makakuha ng Professional Driver's License. Q: Anu-ano na ba ang mga requirements sa pagkuha ng Professional Driver's License?
Q: Yan na ba ang lahat ng kailangan? A: Hindi pa.. Kailangan mo pa maipasa ang 60 items na exam (dapat makakuha ka ng 45 tamang sagot) at ang Practical Driving Test. Q: Validity? A: Limang (5) Taon ➡️ RENEWAL OF DRIVER'S LICENSEMagkakaron na ito ng Seminar na tinatawag na DRIVING ENHANCEMENT PROGRAM. Ito ay tungkol sa mga bagong traffic rules and regulations.
Q: Gaano katagal ang Seminar na ito? ✔️Para sa mga may mga Tatlong(3) Taon padin na Validity ng lisensya ay Walong(8) Oras. ✔️Para sa may mga nagawang limang(5) light violations(demerits) ay Apat(4) na oras at ✔️sa may mas higit pang bilang ng violations ay mas mahabang oras ang gagawing Seminar. ⚠️Ngunit kung ikaw ay nakagawa ng Apatnapung(40) violations sa loob ng validity ng lisensya mo, ITO AY MAREREVOKED na.. HINDI KA NA BIBIGYAN MULI NG LTO NG LISENSYA. ⚠️Pero kung ikaw naman ay walang nagawang violations sa loob ng validity ng liisensya mo imbes na Limang(5) taon ay gagawing SAMPUNG(10) TAON ang VALIDITY NG LISENSYA MO (Reward System ng LTO para sa mga obedient drivers.. Sana Totoo) Q: Paano pag na-Renew ko na ang lisensya ko paano ung mga violations na nagawa ko? A: Back to zero lahat ng demerits mo. Q: Expired na lisensya ko, pwede ba ko mag Renew? A: Oo pwede pero may babayarang penalty ⚠️Pero pag umabot na ng dalawang(2) taon expired at di naRenew mag-eExam ka ulit. ⚠️Kapag naman Sampung(10) taon ng expired ay babalik ka na ulit sa STUDENT LICENSE Q: Pwede ba ko mag Renew ng mas maaga? A: Oo Animnapung(60) araw bago maExpired pwede ka na magRenew. MARAMING SALAMAT PO. 👌 Contact us! 📲 Mobile: 09568428555 (globe) 📲 Mobile: 09193856006 (smart) 📩 Email: info@teamacesdriving.com 🌐 Website: www.TeamAcesDriving.com #LTOACCREDITED #MultiAwardedDrivingAcademy #PremiereDrivingSchool #DrivetheDifference #AceYourDrivingSkillsWithUs!
110 Comments
Angelo
12/25/2020 02:26:18 pm
Ask lang po ako kukuha din po ako ng non-prof license e matagal na ako nag momotor at marunong nako need pa din po ba mag practical driving lesson??? Ang mahal kase po ng bayad. E marunong na mana din ako. Sayang lang kung mag eenroll pako sa mga driving school. Thanks po sa feedback
Reply
Mark
1/9/2021 05:34:10 am
Hi Angelo, yes kailangan mo parin dumaan sa driving school for formal driving lessons.
Reply
Jeffrey benaid
2/11/2021 12:48:19 am
Pwede po ba mag partial muna sa bayarin. Nahuli po kasi ako noong 2018 tapus ngayon po umabot na ng 19k ang babayaran. Pwede ba kahit kalahati muna ?
Justine
3/16/2021 08:46:22 pm
Nakakuha napo kase ako ng Driving NC2 sa tesda po . Pwede poba yun na gamitin kung kukuha ako ng Student permit po?
Jham Padilla
9/19/2021 08:07:48 am
Hi po expired po license ko 3yrs na po kelangan pa po ba ako mag driving school? Yung nirerequired sa mga kumukuha ng student? Sorry po sa tanong and tnx in advance po
RICARDO GURA BOCO
2/8/2022 09:06:49 pm
Sir pde b kumuha Ng bagong license pag DNA ntubos ung xpire n license q thnks po
John
3/9/2022 09:09:31 pm
Pede ba ang 17byrs old kumuha NG non pro salamat
Bry
6/23/2022 11:10:40 pm
Hello, paano po kapag suspended 1yr ang student permit magagamit pa po ba ito para sa non pro? nabayaran ko na po yung mga violations ko. thank you po
Jino Osmil
11/9/2022 04:05:13 am
magkano ba ang magastos sa PDC at sa lisensya na non-prof salamat po
Arnold
10/3/2021 05:52:55 am
itatanong ko lang po kung halimbawa nawala na po ung expired na DL ko, mkakapagrenew pa po ba ako? gusto ko rin po malaman kung pwede from non pro with res. code 1 2 to pro with res. code 1?
Reply
Joel Antonio Enriquez
11/21/2021 12:02:52 am
Ask ko lang ilang beses po ba kumukuha ng medical certificate,nung kumuha po kc anak ko student nagpa-medical tapos po nakakuha na rin po kami ng PDC kapag po ba kukuha kana ng non pro kailangan po ba ulit medical?twice po ba kukuha ng medical
Reply
Mark Bryan Cedol
8/1/2022 08:03:35 pm
Ask ko need po tlaga mag isang taon pra kumuha ng professional galing non pro
Reply
1/5/2021 02:50:37 am
Tanong kolang po ano po ba gawin pag nawala po license ko ano po ba mga dapat gawin bago ko tatarbahuin
Reply
Mark
1/9/2021 05:36:54 am
Hi Raymond, depende yan kung ano ba ang licence mo. Kung student license yan at expired na kailagan Mong bumalik sa STUDENT LICENSE. Kung yan naman ay NON PRO license, kailangan mo lang kumuha ng affidavit of lost.
Reply
Harold Salmo
2/2/2021 01:37:01 pm
Tanong ko lng po.. ilang taon po ba bago marebook ang license.. nawala po ang license last 2009. Nag abroad po ako kaya di ko naasikaso. At magkano po ang lahat ng aabuting bayarin s pagkuha ng student license? Salamat po
Kenneth clemente
10/17/2021 09:03:52 pm
Sir kapag po nawala ang license ko dati pa pwede ko po bang irenew nalang?or kumuha ng affidavit of loss??
Ramon
1/9/2021 06:58:09 am
Ask ko lang po pano pag ang license ay 5yrs validity then sa loob ng 5yrs validity ay nagkaron ng violation sa kalsada example counterflow after nyan ay wala ng naging violation then ung multa ay nabayaran na sasailalim pa ba sa driving school? Then ano mga procedures?
Reply
Raphy
1/9/2021 08:16:41 pm
Magkano na po ang bayad sa pagkuha ng student license?
Reply
Alson Castro
5/31/2021 02:50:36 am
16 yrs old pag Filipino and 18 pag foreigner
Reply
Ron ron
1/12/2021 03:53:35 am
Magkano na po ang pagkuha ng non pro?
Reply
Isidro delos reyes
1/12/2021 05:25:20 pm
Magkano po ang pagkuha ng student license ngaun at anu ano po ang requirements
Reply
jhonmark pasay
1/17/2021 05:05:11 pm
kailangan poba ng sariling motor sa pdc?
Reply
Heart
1/19/2021 07:06:34 am
magkano po multa pati renew ng lisensya sa loob ng 8 years na di natubos?ngayon lang po kasi namin nahanap record ng violation.nwala po kasi yung ticket
Reply
Judy ann bacalso
1/20/2021 04:17:21 am
Ask lg po paano po kung naktickan kana kasi nahuli kaa ..tapos ang gagawin ko kay magkuha nalang ako ng bagONg sp .pwde ba yun ?
Reply
Wel
1/21/2021 09:53:25 pm
Ask lg po paano po kung naktickan kana kasi nahuli kaa ..tapos ang gagawin ko kay magkuha nalang ako ng bagONg sp .pwde ba yun ?
Reply
mark oca
1/24/2021 03:14:44 am
ask kulang po 6years n po xpired ang lisensya ko...profesional po pwede ba kayang irenew o back to student ulit ako..salamat po
Reply
Dennilyn Gacula
1/24/2021 05:35:56 pm
Hello po!
Reply
Christopher
1/24/2021 07:11:09 pm
Pano po kaya gawin ko.nawala po license ko.tapos mga 5 yrs na po sya diko narenew.pano po ba gagawin ko para marenew sya..profesional po ang license ko
Reply
Mervin L Gaviola
1/28/2021 03:07:43 pm
May SP at NC2 Driving Course Certificate holder na po ako. Sapat na po ba itong requirements para makaaplay po ako ng Non-Pro License? Salamat Po.
Reply
Kenn
1/29/2021 06:26:11 am
Ilang taon ba pwde maka kuha ng students license?
Reply
Danilo Mistula jr
1/31/2021 04:31:58 am
Tanung kulang po anu po ang requirement kapag kukuha nag nonpro dipa pa po kasi ako kasali sa bagong memo ng LTO
Reply
Andy Sirhc
2/2/2021 11:25:03 pm
Mag papa non proof ako pero 2days before mag expired ang studend permit ko pwede parin po ba...
Reply
Andy Sirhc
2/2/2021 11:26:57 pm
At magkano na po gagastosin sa pagpapa nonproof licence
Reply
Gino
2/6/2021 01:41:36 am
Paano kung renewal k lng kailangan ko b ulit mag drive test para lng masunod ung new format ng restriction?samantalang ilang renewal n ako at mtagal ng nagmamaneho
Reply
Mavel tagacay
2/7/2021 06:49:08 am
Tanong ko lng po.. Pano bo bah my student ma ako tpos gusto na mag direct professional pwdi po ba un..? Dadaan din po ba ako sa driving test??
Reply
2/8/2021 04:32:21 am
Ma'am and sir ask ko lng po sakali motor lng gusto ko imaneho kailangan ko parin b magmaneho NG kotse
Reply
Dan Kevin
2/10/2021 02:36:10 pm
Need pa po ba ng driving lesson kahit restrictions 1 Lang ang aking license papa professional ko po sana license ko then ano ano po mga ginagawa sa driving lesson na po na yun??
Reply
markalexisducusin
2/13/2021 04:17:13 pm
magkano po lahat ang pera na kailangan para makakuha ng student license
Reply
Arvic
2/14/2021 05:41:17 am
Kong ma bagsak po ba sa exam pwdi uli mag exan kinabukasan?
Reply
Rogelio R. De leon jr.
2/15/2021 06:13:10 am
Panu po ba kumuwa ng student permit. At anu po mga kailangan at mag kano po magagastos
Reply
Mike M.
2/16/2021 01:49:05 pm
Pwede ho bang palinaw regarding lang sana dun sa re-newal ng driver`s license (Non-pro). Nasabi nyo ho kac na may seminar or refresher ang mga mag rerenew lang. Nakalagay ho kac don na sakop nya ang 3years, at with violation. Paano ho kung 5years na ung validity ng license at for re-newal, kasali padin ba sa seminar? Thanks
Reply
Sasa alfredo
2/16/2021 03:03:32 pm
2016 last renew my pro licence. Pero nka lagay sa tempory licence ay 5 years expire. Wla pa plastic sa taon 2016. Tapos may narinig AQ mga Chika na na expire na daw.. TOTOO ba.
Reply
Mary Ann
2/17/2021 07:53:01 pm
pwede pa po ba makakuha ng student permint ang 60 yrs old?..
Reply
nikco olarve
2/17/2021 11:25:50 pm
san po makakakuha ng form
Reply
Ivan
2/23/2021 03:11:02 am
Ano po ba ang requiments pag nag upgrade ng license from non-prof to prof at nagdagdag kapa ng restriction?
Reply
Stephene
2/28/2021 09:01:47 am
2021 sir, how much overall cost ng pag kuha non prof drivers license?
Reply
Kevin
3/1/2021 08:53:26 pm
Kumuha po ako ng Student License last March 2020 and I am planning to upgrade it into Non-Pro license. Kailangan ko pa po ba mag undergo ng Practical driving lesson as part of the requirements considering na hindi pa yata sakop nung New System of application of license? Thanks in advance for the response.
Reply
lyn
3/2/2021 03:38:45 pm
ask ko lng pwedi pa po ba kumuha ang father ko 62 yrs old na po siya ?
Reply
lyn
3/2/2021 03:39:07 pm
ask ko lng pwedi pa po ba kumuha ang father ko 62 yrs old na po siya ?
Reply
christopher
3/2/2021 11:42:55 pm
ask ko lng po mag 6 years na po paso ang lisensya ko nsa magkano kaya ang penalty at anu mga exam gagawin
Reply
Luigi
3/4/2021 01:00:28 pm
Magkano lahat lahat ng babayaran pag nagpa Professional ng Drivers License?
Reply
Ace
3/11/2021 03:04:51 pm
Ask lang po sir/mam, ung Practical Driving Course(PDC) at written exam, same passing lang ba sila, example, passing is 30 sa written dapat din ba sa PDC maka-30 points ka din? yun lang salamat
Reply
Erwin
3/25/2021 03:55:06 am
Sir/mam kailangan na ba ngayon ang theoretical driving course sa pagkuha ng student permit?Pwede ba kumuha kahit wala ng theoretical driving course?
Reply
Monica
3/28/2021 11:10:38 pm
Tanong ko lang po, pano if kumuha ako ng motor nuong July 2020 pa tapos ngayon gusto ko na sana kumuha ng or cr? Pwede po ba yun? Sana mapansin. Thanks po.
Reply
Glenn
3/31/2021 01:19:47 am
Tanong ko lang po if pwedi ba gamitin ang automatic transmission na motor sa test drive pag nagpractical exam na sa LTO, kung nakalagay sa PDC certificate mo is Manual Transmission.
Reply
agapito montill
4/14/2021 09:11:20 pm
sir paano po gagawin kapag nalost license na ng 8years ago tapos ngayon lang po irerenew.. kase po ngayon lang po ako babalik sa pagmomotor... mula nung nawala un at hindi na ako nag motor hindi ko na siya inasikaso...salamat po sana masagot noo iro
Reply
Ruby Rose Dela Mata
4/20/2021 09:32:54 pm
Good afternoon po.ask ko lng po kung kailangan pa mag practical exam sa non prof drivers license.
Reply
Carlo
5/17/2021 08:46:33 am
Hi po, sa main office lang po ba pwede kumuha nung driver's license non pro or pwede po sa district offices?
Reply
Naaj
5/19/2021 09:26:30 pm
June 2020 po ako kumuha ng student license, nung mga time po na yon hindi pa implemented yung driving course certificate sa requirements. Tanong ko lang po, pag po ba nag upgrade ako to non pro eh kailangan ko pa din po ba kumuha ng driving course certificate? Maraming salamat po sa sasagot
Reply
5/21/2021 02:36:27 am
ngayong 2021 po ba eh okay nang kumuha ng non professional driving license ang 17yrs old?
Reply
aki
5/25/2021 02:35:22 am
magkano po kaya lahat magagastos sa pag kihang licensed
Reply
Gerald
6/1/2021 10:37:11 pm
Last june 8 2020 pa ako nakakuwa ng student permit ko,ilang days nlng expired na.kong mag na non pro ako b4 june 8 2021 valid paba un.or kylangan ko pang mag seminar or kumuwa ng pdc?
Reply
Liezl
6/19/2021 06:23:00 pm
Pwede po ba magpaassist ng student permit or legit po ba yung mga nag aassist ng mga lisence sa fb
Reply
Aldwin
7/1/2021 11:21:11 pm
Tanong ko lang po last year po before maexpired ung student license ko nawala po sya ,so pina affidavit ko po sya .. ngayon po gusto ko po ulet kumuha ng student license .. kelangan ko pa po ba dumaan sa bagong proseso ng pagkuha ng student ?
Reply
Arnold
7/12/2021 04:45:38 pm
Automotive ako at may subject ako about driving test at nandun sa transcript ko, kailangan ko pa ba mag driving test para makakuha ng license? Waiting for your answer. Tyia 😊
Reply
8/1/2021 03:07:52 am
kaylangan po ba mag pa vaccine bago mag process ng driver's licence.
Reply
Dhen Ropa
9/10/2021 05:28:11 pm
Pwedi pa po ba yong student permit ko kasi na experid po sya nung jan.03,2021.di po na renew kasi pandemic po
Reply
Martin ian
9/11/2021 12:10:44 am
Tanong ko lang po meron po akong Drivers license sa saudi arabia na valid pa po at gusto po sana kumuha ng license dito sa pilipinas .. ano ano po ang kailngan kong gawin.. meron lang kasi akong isang buwan bago umalis ulit ng pilipinas
Reply
Aphrodite
9/12/2021 08:36:25 am
Pano kapag kumpiskado Yung lisensya at magrerenew sana ng panibago ano ang dapat Gawin
Reply
John Alfred Dela Chica
9/17/2021 02:45:09 am
Pano po pagnakakuha po ako Ng maaga Ng PDC pede na po ba ako kumuha Ng non pro Ng Wala pang isang buwan,(kailangan ko lng po Kase sa trabaho malayo po Kase inuuwian ko)
Reply
Christopher navarro
9/20/2021 07:02:12 am
Hi po ask ko lng po mam kung pwede pa po marenew yon license ko 5yrs napo sya..ggamitin ko lng po sa Pag momotor..godbles po
Reply
Leonard
10/2/2021 12:09:54 pm
Magkano na po ba pqgkuha ng student
Reply
Jhayjhay
10/12/2021 05:43:40 am
Magkano po magagastos student permit at non pro.
Reply
Jaycob Bolalin
10/14/2021 01:17:53 am
Hello po kukuha po Sana ako ng driver's licence ID card. Kaso rehistrado po ako sa Bicol ..Ask ko lang po Kung pwede po ako kumuha ng driver's licence sa kahit saang LTO..
Reply
Cherry diolata
10/30/2021 05:31:14 pm
Good day, ask ko lang po if pwede ang NSO pag kuha ng student? Sabi kasi nila psa lang daw po tinatanggap. Thanks.
Reply
Neil Gideon Malabayabas
11/3/2021 11:08:35 am
Naka kuha napo ako ng student license kaso po na expired napo sya nung 2019 pwede kopa din poba ako makakuha ng non pro?
Reply
Neil Gideon Malabayabas
11/3/2021 11:12:41 am
Naka kuha napo ako ng student license kaso po na expired napo sya nung 2020 po pala pwede kopa din poba ako makakuha ng non pro?
Reply
Mark Aleya
11/4/2021 05:54:08 am
Question lang..
Reply
Aurelio erno quijada jr
11/12/2021 02:27:18 pm
May SP na po ako tpos na expired makakuha ba ako ng non prop.?tpos may may NC2 po ako driving on highway,kailangan pa ba ako kumuha ng CDCC..
Reply
MARINELLE FORMENTO GACOSTA
11/12/2021 11:14:30 pm
Ask lmg po pwde po b ung mga driving school na hndi po mismo s LTO?first time po kkuha ng lisensya need po pra makapgdrive n ng motor...
Reply
Joel Antonio Enriquez
11/21/2021 12:08:14 am
Ilang beses po kailangan magpa-medical kumuha po kc anak ko student kailangan ng medical,kapag nag upgrade po na ng non pro lisence kukuha po ba ulit ng medical certificate twice po ba kukuha ng medical
Reply
Kimberly boseo
11/22/2021 05:55:30 am
Hanggang kailan po validity ng student lisence Sana may sumagot po
Reply
Joy gladys
11/23/2021 09:21:37 pm
kapag my violation po tapos hindi ku nakuha ang aking lisensya , at tumaas na ang babayaran ko dahil sa violation pwede po ba ako kumuha ulit ng bagong lisensya ?
Reply
Roman Lacuna
11/26/2021 12:13:34 pm
expired na po ng 6 years ang non professional driver's license ko,paano po ba ang proseso sa pag rerenew nito.salamat
Reply
12/1/2021 07:28:58 am
Narerefund po ba Ang binayad sa pagkuha Ng lisensya kung icacancel po?tnx
Reply
jesel brina
12/1/2021 08:32:20 pm
anu poh recquirements pag e renew ko na poh ang license ko as an ofw?
Reply
12/12/2021 07:08:32 am
Pwede ba kumuha ng card kahit saan kac papel pa lang binigay ng LTO sakin ..??
Reply
Beverly Dauz
1/21/2022 11:36:11 pm
Hello po. Paano po kung yung original copy ko po ng medical cert ay naipasa ko sa lto nuong akoy nagapa student licence. Tapos magpapalisensya na po ako. Magpapamedical ulit ba ako kahit wala pa itong 3months? Wala na kasi sa akn ang original copy ko. Paano po yun?
Reply
Arnold bravo
2/4/2022 07:33:12 pm
Magkano lahat ng magagastos mula student to pro
Reply
angelito
2/6/2022 10:14:57 pm
Nakapag aral na ako ng tdc sa inyo at nakakuha na ako ng crtificate at student naexpire na lang ang student ko. Magaaral ba ulit? Tpos magbabayad nanaman ba ng tdc certificate sa teamace?
Reply
2/18/2022 12:53:18 pm
Sir tanung kulang po sa mga magkanu po magagastos sa lahat pag kumuha kana Ng license na nonepro ...Kasi po kaylangan Kona Rin eto marenew dahil kaylangan kupo para sa paghahanap buhay ko ...salamat po ..❤️❤️🙂🙂
Reply
JERRYME NEGRO
2/20/2022 03:25:43 am
Good day po ask lang po ako. Bali may student permit na po ako dto po ako sa region 4A kumuha nag TDC at nag PDC nako. Tanung ko lang po pwedi po ba kung sakali mag uupgrade ako sa non pro sa ibang region?
Reply
Aldrin B.
3/13/2022 04:50:07 am
1 year expired ang lisensya ko..magkano aabutin ang pagrenew ng non pro at ano ang mga requirements...
Reply
3/18/2022 06:43:22 am
Hi po ask ko lang about sa sitwasyon ng brother ko dyan n nasa pilipinas ngayon...OFW sya before dito sa Qatar pero umuwi sya ng pinas at hindi na nakabalik dito sa Qatar...pwede po bang i convert ang Qatar Liscense nya to Philippine Liscense dyan sa pinas kahit inabutan n ng expiration ang International liscense nya.
Reply
Juan
4/17/2022 12:05:59 am
Pag nakatapos po ba ng Non proffesional ay makakakuha na po ako ng official driver's license kahit 17 yrs ols lang po ako?
Reply
Erwin Binarao
5/5/2022 09:44:51 pm
Hello po ask ko lng po ano kailangan kung magpa additional po sa 123 driver license
Reply
5/9/2022 05:50:47 pm
Papaano po mag pa dadag ng 8 sa license? At ano ano po ang mga requirements
Reply
Miguel
5/10/2022 08:30:35 pm
Kukunin q nlng yung Professional Driver lisence q,nakaschedule aq ng 7 kaso hnd aq nkapunta,ganun n b ngaun,kapg d k nkapunta s tamang araw hnd m makukuha lisensya m tas ssched k uli sa ibng araw
Reply
Areej Fatma Sagad
5/13/2022 06:09:33 pm
Ask ko lang po, hanggang kailan pwedi irenew ang student permit? 7mons na kc SP ko.. pwedi pa ba irenew for non-prof?
Reply
Shin
6/3/2022 10:22:52 pm
Gaano po katagal ang releasing pag nakapasa na sa mga exam pang non pro? thank you
Reply
AJ
6/7/2022 06:34:43 am
Hello po, mag tatanong lang po ako kung pwede pa po ma bago yung address na naka lagay sa student permit ko pag nag apply na ako sa non-pro? May mali po kase sa address na naka lagay sa student permit ko. Salamat!
Reply
Mark Bryan
8/1/2022 08:10:45 pm
Need po ba tlaga mag 1 year holder muna ako bago ako mag convert ng professional license
Reply
Leonard ramos
9/8/2022 08:35:32 pm
Tanong lng kung pumasa ako sa exam ng non-pro pero bagsak ako sa practical. Kailangan ba umulit ako sa pagtake ng exam?
Reply
Khalil
9/15/2022 08:00:59 am
Paano pag my license ako sa ibang bansa paano yung process ko pag kuha jan. Maraming Salamat po
Reply
vergel
10/5/2022 06:50:31 pm
mag eexam pa po ba ang pro na ang license?
Reply
chella
11/3/2022 04:01:08 pm
pwede po ba kumuha ng lisensya sa ibang lugar (San Pablo) kung sa Lipa nag exam? Pasado na sa exam sa Lipa eh. or uulit pa sa San Pablo?
Reply
11/3/2022 07:55:19 pm
Anything explain such house right.
Reply
11/13/2022 03:17:34 am
Four arm edge tax send. Perform dog kind bit yes. Back enter activity.
Reply
Leave a Reply. |
|