DRIVE THE DIFFERENCE
  • Blog
  • courses
  • enroll
  • branches
  • gallery
  • franchise

tips para kumita ng malaki sa pag dadrive sa uber.

magdrive at kumita ng malaki ng di pagod at may oras pa sa pamilya.

Marami kang mababasa at makikita sa internet na mga negative comments tungkol sa kitaan sa Uber as driver, pero kung alam mo ang diskarte ng pagbabyahe di ka magagaya sa kanila. Sundin mo lang ang mga tips na ito para di mo na magawa ang mga mali nilang gawain.

Bakit ko nasabi ang mga mali? Dahil ako mismo nasubukan ang mga maling paraan, kaya mas ok pag di mo na ito maranasan at kumita ka ng di pagod at walang oras sa pamilya. 
The best teacher is other people's experience. Learn from it and you will never be wrong.

ang mga tip na ito ay di para sa mga taong: 

  1. Pagtamad ka talagang tao na umaasa sa malaking kita sa mabilis at di pinaghihirapan. 
  2. Pag lagi ka nagrereklamo sa mga ginagawa mo sa buhay.
  3. Di marunong gumawa ng diskarte sa oras ng pangangailangan. 
  4. Pag negative ka mag isip at di mo alam ang papasukin mo na trabaho. 
  5. Pag ayaw mo makinig sa mga payo sayo. 
  6. Madaling sumuko, ayaw mahirapan, ayaw magpuyat minsan kung kinakailangan. 
  7. Hindi matiyaga, nakatingin lang sa pera na kikitain.
  8. Hindi alam na transport service ang papasukin, kahit ikaw ang may ari ng kotse, pagsakay ng pasahero siya ang boss mo, period! (Kung di mo to kayang tanggapin wag na wag ka magdrive sa Uber masasaktan ka lang, dahil may times na uutusan ka ng rider magbuhat o ano pa man.)

Pag isa sa mga nabanggit sa taas ay ikaw, hindi para sayo ang kumita ng malaki sa pag dadrive sa uber. Pero kung lahat ng nabanggit ay hindi ikaw, Congratulatios, qualified kang kumita ng up to 40K-80K per month. 

qualified ka ba? magpatuloy sa pagbasa.

Mga tamang bagay na dapat mong malaman, intindihin at iapply bago sumabak sa byahe. 

uber 101:

Alamin at umattend sa demo kung paano gamitin ang Uber Driver App, sa tamang pag accept ng request, pag start ng trip at pag end ng trip at iba pa. Ginaganap ito after maactivate ang iyong account sa Uber at kapag may kotse ka ng idadrive. (Wala ka pang kotse na idadrive matutulungan ka namin, click here>) 

RECOMMENDED NA SMART PHONE:

Isa sa mga sanhi ng reklamo ng mga Uber Driver ay mahirap malocate ang pasahero, mahirap makatanggap ng booking, mabagal na internet, mabagal na GPS (naliligaw ang waze mo), murang pamasahe. ​
  • Alam mo ba na lahat ng mga reklamo na ganyan, ang saralin ay ang gamit mong smart phone? Isa isahin ko kung bakit. 
  • Pag mahina sumagap ng internet ang smart phone mo, apektado lahat ng factors, kaya dapat mabilis sumagap ng internet ang smart phone na gamit mo. 
  • Pag mahina ang GPS ng smart phone mo apektado na rin ang real time location mo, pag apektado ang real time location mo, mahihirapan kang makakuha ng booking dahil yung GPS mo o nadedetect ng Uber App na location mo ay nasa makati pa, pero ang actual location mo ay nasa BGC ka na, pag ok ang GPS ng smart phone mo, real time at actual location mo ay nadedetect ng Uber Driver App kaya pag may nagrequest sa actual na location mo, ikaw papasukan ng booking. 
  • Pag mabagal Internet, mabagal GPS, asahan mo ililigaw ka ng Waze (kaya wag nyo isisi lahat kay waze, ang smart phone nyo ang may problema).
  • Ang resulta, matagal ang booking sayo, maliligaw ka sa byahe, maraming oras masasayang, kaya lagi kang pagod dahil ang tagal mo sa daan, pero konti lang ang mabobook na byahe. 
Recommended Smart Phone na bilhin:
All kinds of latest Iphone
VIVO Y53 (ito rin gamit ko para di uminit ang Iphone ko) nabili ko lang ng 5999 pesos.
Other Android Phone, di ko pa nasubukan.

Tips bago bumili ng smart phone:
Kelangan, masubukan nyo ang GPS ng smart phone na bibilhin nyo, gumamit ng Google Maps o kaya ipadownload ang Waze sa demo phone nila, pag yung pwesto na kinakatayuan mo ay tama sa location ng phone at di lumilipat ang location mo sa ibang kalye o lugar, ok ang GPS ng phone na yun. 
Kelangan mo rin subukan ang pagsagap ng Wifi ng phone, pag hindi makaconnect agad, magkakaproblema ka later on. 

Pag wala ka pang pambili ng Smart Phone na maganda ang GPS at Internet, kausapin ang Car owner na bumili ng Smart Phone para sayo kahit hulugan mo nalang monthly ang presyo. (500-1000/month na hulog)

Pag may smart phone ka na, subukan mo ang mga sinabi ko na tips sa taas pag ok ang response ng smart phone mo. Pag dito palang sablay ka na, wag mo isisi kay Uber at Waze bakit maliit ang kita mo, try mong magpalit ng smart phone para di sayang oras at pagod mo sa daan. Usually ang nangyayari sa akin, lagi akong pinapasukan ng booking kahit malayo pa ako sa hahatiran, kaya walang sayang na oras, minsan ako nalang nag ooffline bago bumaba ang pasahero dahil kakain ako o mag bebreak time. 

Di mo alam mag offline kahit may pasahero?
Click mo yung tabs option sa upper side ng Uber Driver app, lalabas ang details ng rider at kung saan bababa, sa baba ng drop off may makikita kang Stop New Request, pindutin mo lang at iselect ang Go offline, pag baba ng pasahero mo automatic offline ka na. 

Acceptance at ratings tips:

Maraming nagrereklamo din na matumal daw ang byahe, walang booking at maliit ang natatanggap na pamasahe. Alamin kung bakit at para maiwasan na mangyari sayo. 

Makikita mo ang RATINGS mo sa ratings tab ng Uber Driver App mo, STAR RATINGS, CONFIRMATION RATE AT CANCELLATION RATE. Ano ba ang mga ito?
STAR RATINGS:
Ito yung ratings na binibigay ng pasahero after nila sumakay sayo, pag okay ka sa kanila, irarate ka nila ng 5 star, bakit ito mahalaga, ito ay isa sa mga batayan ni Uber bago ka bigyan ng pasahero, mas mababa ang Average Star Ratings mo, lalo kang mahihirapan makakuha ng booking lalo na pag marami kayong Uber Driver sa area, ang bibigyan ni Uber ng booking ay yung mataas ang star ratings, kaya dapat laging iapply ang customer service na attitude sa mga rider para makakuha ng mataas na ratings magandang complement at higit sa lahat bibigyan ka ng tip (wag mo to asahan, kelangan iabot kahit piso na sukli pag di tinanggap saka mo palang magiging tip) 
Mas magandang serbisyo na maibigay mo sa rider, mas malaki din ang tip na makukuha mo, nakaranas akong magka tip ng 100 pesos at usually 300-1000 pesos na tip kada linggo.  Pang gas o pang kain mo na rin yun. 

CONFIRMATION RATE:
Dito nakakasalalay ang pagkuha mo ng incentive, pag mababa ito sa 70% kahit mahit mo ang incentive ni Uber sa certain period, di maibibigay sayo. Kaya kelangan mag offline agad pag di ka tatanggap ng trip request, kasi pag naiwan mong naka online, pag pinasukan ka ng trip request pero di mo tinanggap maapektuhan ang confirmation ratings mo. 
Dapat ang rating mo dito ay nasa 90%-100% lagi, nagrereset ito kada isang linggo mula sa araw ngayon. 

CANCELLATION RATE: 
Sa uulitin pag di tatanggap ng trip request kelangan mag offline lalo na mag bebreak time o kakain.
Tuwing kelan ka mag cacancel? Pag pinasukan ka ng booking tapos nasa EDSA o kaya sa lugar na malayo ang U-turn o kaya traffic, tumabi sa daan at itext ang rider sa kung ano ang sitwasyon na meron, para alam nya na matagal syang maghihintay at pag pumayag na kahit matagal, puntahan at ipick up, pag ayaw naman pumayag, irequest na sya mag cancel, at pag di kinancel, ikaw na ang magcancel para pasukan ka ng request agad. 
Pagdumating ka sa tamang Pick Up location at tinetext mo ang rider,matagal at di sumasagot o di kaya sa iba ang pick up location nya at imposible para sayo mag mane-ubra, itext ang rider na icacancel mo at sabihin kung ano ang rason ng pagcancel at ilagay sa comment na rider no show o di kaya wrong pick up location. (May charge ng 100 ang rider at makakakuha ka ng 75pesos net income). Iadvice mo rin ang rider na next time, sa tamang pick up point sila maghintay para di masayang ang oras ng bawat isa. 

Hindi mali ang pagcancel, lalo na pag mali ng pasahero, kaya ok lang magcancel basta may abiso at maayos makipag usap sa pasahero sa ano man ang dahilan ng pagcancel mo. 

Bawal magcancel pag nagSTART na ng TRIP. Kelangan mo ihatid ang pasahero, magcacancel lang pag pipick upin palang. 

set destination option: 

Kada araw ay may 2 beses kang makagamit ng Set Destination. Ginagamit ito pag may gusto kang puntahan at gusto mong bumyahe para makatipid sa gas o di kaya pagpauwi na sa mahabang araw na byahe. Expect na mapapalayo ka konti pag ginamit mo tong option nato pero halos palapit narin sa pupuntahan mo. 

Bakit kelangan mo to gamitin, ako ginagamit ko para makatipid at makabawi sa gas lalo na pag sobrang layo ng panggalingan ko, maganda din ito gamitin dahil prioritize kang bigyan ni Uber ng pasahero kesa sa mga mas malapit sa area ng pick up location, usually nakaka 400 pesos pa ako o tatlong trip bago makauwi, malaking bagay din pang dagdag sa kita o pang gas. 

​Di nga lang pasok sa number of trips ang mga trips na to sa incentives. Kaya gamitin lang pag kelangan. 

goal setting tips:

Sa umpisa palang na bawal ang mga tamad mag drive sa Uber at sa pera lang nakatingin. Kelangan may tinatarget ka na goal kada araw o kada linggo bago mag simula ng byahe para ma plano mo ang tamang diskarte, sa baba bigyan kita ng goal para di bumaba ng 15K ang gross na kita, pag sinunod mo to matitiyak ko lalampas pa ng 20K kada linggo ang gross na kita mo. 

Magandang motivation para lalo kang sipagin i hit ang target mo lalo na pag driver ka, gagawin mo to para sa madaling panahon, maka ipon at makabili ka ng sarili mong sasakyan at para buo mo na lahat ng kita mo pagkatapos ibawas ang mga expenses. Gawin mo to at sipagan mo ng isang taon, tiyak makakabili ka ng sarili mong sasakyan. 

Pag car owner ka naman, gawing motivation ito para lalo pang mapadami ang mga sasakyan na magagamit pang Uber. Share mo rin tong page na to sa mga drivers mo na di marunong dumiskarte at pinanghihinaan na ng loob. 

target incentives every week:

Kelangan naka mindset ka na kada linggo mahit mo ang incentive bonus para lahat ng expenses mo sa gas ay maibalik sayo, pati ang 20-25% na kaltas ni Uber babalik din sayo.

Pinakamalakas na araw, kahit traffic ay tuwing Friday. Kaya kahit coding ka ng Friday byahe ka para makaranas kumita ng Up to 5K gross. Work Smart don't work hard. Sulit ang byahe at traffic pag laging malaki pamasahe. 

Number of Trips:
Dapat makagawa ka ng minimum 16 trips kada araw o higit pa, para maiwasang magpuyat at maghabol sa last day ng incentives. Marami akong nakakausap na drivers na 2 nalang di pa nabigyan ni uber ng pasahero para mahit ang incentives. Nasubukan ko rin maghabol ng 19 trips sa 10 oras na lang na natitira, naranasan ko rin maghabol ng 3 trips sa isang oras na lang na natitira, pero nagpursige ako at hinataw ko para mahit ko buti nalang napunta ako sa tamang oras at tamang lugar, kahit ibato man ako sa malayo ni uber, sinisikap kong bilisan na makapunta sa mga lugar na may pasahero at makikita mo yan pag namumula sa mapa. 

Weekly Trips:
Minimum of 120 trips kada linggo para laging mahit ang incentives ng weekdays at weekend. 

May post ako na 7days ako bumyahe, halos laging comment na natatanggap ko ay, wala daw pahinga at pati daw coding bumyahe ako. Oo totoo bumabyahe ako kahit coding, for example ang unit na dinadrive ko ngayon ay ending with 7, so thursday ang coding ko, ginagawa ko bumabyahe ako ng Thursday  simula 4am to 7am, uwi pahinga tapos byahe ulit ng 8pm ng gabi. Bakit ako bumabyahe kahit coding? Para magawa ko ang kulang para sa 70 trips na incentives. Diba bawal tamad? Alam mo na. 

Monthly Trips:
1st week: Hit 70 trips and 50 trips (20K UP INCOME)
2nd week: Hit 45 trips and 50 trips (15K UP INCOME)
3rd week: Hit 70 trips and 50 Trips (20K UP INCOME)
4th week: Hit 45 trips only (15K UP INCOME)

Reason bakit ganyan ang paghit ng incentives:
Ang Incentive na binigay ni Uber ay nagbabago o nagpapalit kada linggo, para mamaximize at malaki ang incentives na makukuha, kelangan sa 1st week and 3rd week lagi mong hit ang incentive dahil sa mga linggo na yan, maraming pera ang mga pasahero dahil kakatapos lang ng sweldo, marami rin mag Uuber kahit mahal pamasahe. 

Minsan sa isang linggo ang kalahati na incentives lang ang ihit mo lalo na pag 2nd week at 4th week, para sa susunod na linggo malaki ang ibibigay sayo na incentives ni Uber. Oras na rin yan na para makapahinga ang katawan at makondisyon para sa susunod na linggo para maging balanse at di pagod. 

OTHER TYPE OF GOAL SETTING:
Ako mismo sumasakay ng Uber pag di ako bumyahe at may kelangang importante na pupuntahan, di ko ginagamit ang kotse ng operator ko pag sa sariling lakad, oras na rin para makakuha ng tip sa ibang driver, ang sabi ng ibang driver na nakakausap ko, bumabyahe sila kada araw pwera coding basta pag naka 3000 pesos gross na sila sa isang araw, kahit hindi pa naka abot ng 16 trips uwi na sila, minsan di nila nahihit ang incentives pero kadalasan nahihit nila. So, pwede mo rin gawin na ito ang goal mo kada araw. 

Mga Uber driver mismo na masisipag ang nagsasabi nito, di kasi ako nag gagrab pero ang asawa ko laging Grab ang binobook dahil laging mura daw ang grab kesa Uber pag nagbobook siya. Pero pag magkasama kami, Uber binobook ko kahit mahal, kasi sa Grab, minsan di inaaccept ng mga drivers ang booking, namimili kasi sila ng pasahero, kaya ako sablay na sila sa serbisyo na pinasok nila, parang naging taxi narin sila. No offense sa mga makakabasa na Grab drivers, di ko rin masabi baka later on mag drive din ako sa grab. Pero di ko gagawin ang ganung style na mamimili ng pasahero.

Oras ng Pagbyahe:
Naranasan ko lahat ng klase ng byahe, mapagabi, madaling araw at buong araw, natry ko rin bumyahe gaya ng taxi, o higit pa kasi ginawa ko 29hours sa daan (ginawa ko lang yun dahil para mahit ko ang incentive ng mabilis at kinabukasan may date kami ng asawa ko out of town.) Kaya ang na obserbahan ko sa mga klase ng byahe may advantage at disadvantages, mamili ka nalang kung ano ang swak na byahe sayo na di ka pagod. 

5AM TO 7PM:
Advantage: Deretso ang byahe, halos lahat ng Metro Manila may surge 5AM TO 10AM (malaki pamasahe kahit malapit)

Disadvantage: Traffic, mainit, malakas sa aircon, pagdating ng tanghali, traffic pero wala ng surge at walang boosted area, mahirap makahanap ng magandang spot dahil ipit sa traffic. Pag napalayo sa high demand area mahirapan makabalik dahil sa traffic.

5PM TO 10AM:
Advantage: Deretso ang byahe, halos lahat ng Metro Manila may surge sa oras ng 5PM-10PM at 5AM-10AM (malaki pamasahe), walang init, di malakas sa aircon. 

Disadvantage: Traffic sa rush hour, pagdating madaling araw mahirap makakuha ng magandang spot, puyat sa byahe. Tulog sa araw. 

(4AM TO 10AM) (4PM-10PM)
Advantage: Halos lahat ng Metro Manila may surge sa oras ng 5PM-10PM at 5AM-10AM (malaki pamasahe at maraming pasahero. Di masyadong mainit, di malakas sa aircon, may pahinga sa tanghali 11AM-3PM, di pagod sa byahe.

Disadvantage: Putol Putol na byahe. Pag napalayo sa uuwian, pwede ka narin dun nalang magpahinga, pero ako umuuwi pag tanghali. 

avoid time waster circumstances:

May mga oras na di inaasahan, na pag di mo binigyan ng attention lalo kang magsasayang ng oras. Iwasan ang mga ito para tuloy ang byahe at iwas abala.

Car Condition:
Panatilihing maganda at well maintained ang kotse, di porket bago ang kotse, hahayaan mo nalang, pag oras ng change oil at maintenance gawin agad sa takdang oras. Icheck lagi ang mga kelangang icheck bago bumyahe. Magpacar wash kung kinakailangan para di maapektuhan ang STAR RATINGS.

Always use WAZE:
Lagi ako sa BGC, halos memorize ko na at kabisado ang mga kalye at buildings, pero nasubukan ko lumampas ng SM Aura Mckinley Road ng biglang may nagrequest ng booking sa SM Aura at Office Tower ng UberPool 2 agad nagrequest (Sulit na Uberpool pang dagdag number of trips), normal na dahil kabisado ko di na ako nag Waze at sabi ko iikot ako sa ibang lugar ayun ang layo ng inikutan ko, nagcancel ang isa nainip maghintay, kaya pagdating ko isa nalang ang pasahero ko, wala pa naman sanang traffic at 1.8 ang boost. Lesson learned, wag lagi magmarunong baka magsayang at manghinayang sa oras, kagaya sa akin. 

Oo minsan mali rin si Waze at papaikutin ka pa, pero 90% accurate and reliable si waze lalo na sa traffic. Binabayaran tayo bawat minuto at bawat kilometro na binabyahe natin, kaya malaking bagay ang mawawala pag nagkamali o nadelay tayo ng kahit 10 minutes lang. 

Car Fuel:
Laging suriin ang laman ng gas, kung pwede nga lang bago bumyahe, full tank sagad ang kotse mo, para tuloy ang byahe, dati kasi ginagawa ko hintayin kong mamula muna ang fuel gauge ko bago magpakarga at pag may pasahero makikiusap pa ako, abala talaga pag lalo na masungit at nagmamadali ang pasahero. 

Pick Up Tips:
Pag walang sakay na pasahero, wag dumaan sa mga mahirap mag U-turn o magmane-ubra baka may pumasok na request, wag din bilisan ang patakbo lalo na kung di ka pa nagpapalit ng smart phone na accurate ang GPS. Lalo na sa EDSA na wala kang pupuntahan, mag service road lagi para madaling maka U-turn pag kinakailangan at iwas kain din sa gas, kasi baka may magbobook palang sa isang lugar pero ang bilis mo, imbis na sasabay ka sa pagdating mo sa area nya at sa pag book nya, malalampasan mo sya. 

We are Paid Per Mile and Time:
Binabayaran tayo sa oras at kilometro na tinatakbo natin, wag mag sayang ng oras kakatambay sa isang area lalo na pag matumal ang booking at makikita mo sa rider app na maraming kotse sa paligid, laging gumalaw sa area dahil laging ngyayari sa akin, pag wala akong sakay, titingnan ko ang rider app, pag may mga 3 o 5 kotse na nakatambay, aalis na ako o gagalaw na ako at lagi akong may booking pag ganun ginagawa ko. Tipid ka nga sa gas pero ang oras tumatakbo, wag ipagpalit ang masasayang na gas kakatakbo kesa sa oras mo masayang di mo na maibabalik ang oras, ang gas kada 1 litro malayo na maiikot mo basta mabagal lang ang takbo. 

Go to Hot Spot Area:
Laging pumunta o bumalik sa mga boosted area at namumula na area, pag may nagbook sayo ng malayo at makikita mo na ang area ay namumula at matagal pa matapos ang boost time, bumalik agad ng naka online wag i offline ang Uber Driver App malay mo may pumasok na dun din papunta. Nangyari sa akin, may nakuha ako sa Timog papuntang Novaliches, pagkahatid ko balik ako ng BGC para may makuha ulit, sayang man sa gas pero bawi sa next booking dahil malaki pamasahe, lalo na pag ang byahe mo sa rush hour lagi. Ikaw aayaw sa mga bookings.

Mga listahan ng Hot Spot:
BGC- 24 hours
Makati- Night Rush Hours
Ortigas- Night Rush Hours 
Mandaluyong- 5AM TO 7AM
Pasig 5AM TO 7AM
Quezon City- 5AM TO 7AM
San Juan- 5AM TO 7AM
Airports - Weekend
Weekend Mall Area - 3PM-10PM
Basta laging icheck o irefresh ang Uber Driver Map kung saan ang may demand ng pasahero. Lalo na pag may event during the day. 

what you earn doesn't matter, what you save matters.

how to have big tips from riders.

P.s. Byahe muna ako, bukas nalang coding ko bukas resume ko ang tips page na to. 
Palike nalang ng FB page ko if makatulong to sa inyo sa byahe kahit papaano. ​https://web.facebook.com/drivenearnwithuber/

Location

    Subscribe Today!

Submit

TEAM ACES DRIVING ACADEMY

copyright © 2020
LTO Accreditation Number: DS-2020-00027-04

Contact Us

  • Blog
  • courses
  • enroll
  • branches
  • gallery
  • franchise